Buhay Pa Rin Ako

Naging busy lang.

Early December, we had a small party; not exclusive to our clique, but a reunion of the people na tambay nang isang sikat na bilyaran (college days). We’ve become extended tropa of one another kahit hindi naman kami talagang magkakaibigan. Nagrent kami ng rooftop, private residence. Dati na namin nirerent yun, college pa lang kami. Mahilig talaga kami sa reunion at parties — iba’t iba na ang buhay namin.

Our mid 30s is the best (so it seems), we have thrived career wise, yung mga mukhang haggard na tambay? Sosyal na at magaganda ang sasakyan ha! We have a dj among us, may tattoo artist, may singer, may caterer, may photographer, may nagbibusiness, may houseband pero mayaman daw ang misis, the rest, office workers. Mukhang walang sumunod sa yapak ni Efren “Bata” Reyes ah. When we were in college, feeling namin lahat kami professional ang galawan.

Nakausap ko ng matagal that night si photographer at houseband. Mukhang okay naman si photographer financially kasi malaki ang ambag. Pero wala pa syang house (kung makasalita naman ako kala mo meron ako, eh freeloader lang naman ako). According to him, nagrerent sya ng townhouse but it can get too expensive raw especially that he is alone without a housemate. Okay lang naman daw but he wants to cut his expenses, he wants to save more daw for a permanent home. Sabay singit ni houseband na “ayan oh, magrent ka dyan (sakin daw), laki ng condo nya, sya lang mag-isa”. We laughed because it’s funny. I never had a housemate na regular, puro yung mga transient lang. But then next we know is nagcacalculate na kami ng utility bills.

Ayun na nga, may roommate na ako. Naisip ko, malaking tulong rin yun for gas since kahit gaanong ka ganda ang location ng bahay ko, the fact na anlayo naman nito sa work ko, pang-asar rin so makabawi man lang sa gas at pamasahe.

Sino ba itong photographer na ito sa buhay ko? Wala. Ni hindi nga kami friends if you sum it up.

Pero dati, he’s one of the cutest in our campus. We wondered about him because para syang may sariling mundo. May dalang gitara palagi. Tatambay sa amin, pero hindi mag-eengage, then aalis after 15 minutes. Ganun lang. Wala. That time, we girls used to call him Jay (for Jay Manalo), kamukha nya eh.

So ngayon, mas hot na sya. Malaki na ang katawan, obvious na nagbubuhat. Camera na ang dala parati instead of gitara na meron pa rin sa room nya to be fair. Musikero pa rin pala. Pero like before, may sariling mundo pa rin.

He tries to cook, pero parang breakfast lagi. Tinitirahan nya ako ng food kahit hindi naman kami share sa food and groceries. Then, he asked me 3 weeks ago kung okay lang magbisita. I said yes of course. So may dinala syang super sexy na model (I assumed) kasi katawan model eh tapos halatang early 20s lang. Whatever they did, keber diba? But in me, medyo cringe. First time ko may ka-share ng house na nagdadala ng girls… yes, plural, kasi parang 3 na nakikita ko (minus pa yung during the day na hindi ko inaabot) kung meron man.

Okay, kaya ako napablog bigla is because yesterday, over lunch, since parehas kaming nasa bahay lang at walang lakad, nabore siguro at tinanong ako, “bakit ba hindi tayo lumabas nung college?”

Napaisip ako ha, sa loob ko, hindi ka naman kalabas labas nun kasi may sarili kang mundo. Then naalala ko si Jay Manalo.

I answered him, “because you never asked”.

Nashokt ako sa sagot ko. Hindi ko alam bakit I sounded flirtatious in my head.

Alam kong hindi friendly yung sagot ko at medyo may malice. While sya, siguradong casual question lang. After my answer, he leaned and inayos yung buhok ko kasi it’s all over my face, then he took a photo of me. Ganun talaga ang sequence ng pangyayari.

Sinabi ko, pag di nya dinelete sasaktan ko sya, I chased him around to give me the camera.

It was a playful afternoon.

Nothing strange happened.

But I am kind of scared. I thought about him all night. I cannot lust for my housemate especially if he’s that kind of guy, the kind who will surely give in. I know that one misstep, my body will betray me and I will be in serious trouble.

Shet.

8 thoughts on “Buhay Pa Rin Ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s